Miyerkules, Agosto 10, 2016

Maxi Peel + Eskinol Review

Hello, Good day everyone. Alam ko madami rin na katulad ko na sawang sawa na sa PIMPLES na to. and take note: not only PIMPLES, kung hindi yung iniiwan neto pag nag da-dry na or yung nafl-flat na yung PIMPLES.

I used to have a not so kinis skin back in a days, hindi sya makinis pero satisfied ako noon, may mga pimples man ako siguro hanggang apat lang tapos nasa one place lang sya, sa may temple kaya medyo natatago sya ng hair ko, then nilalagyan ko sya ng band-aid every time na I'll go out to school or wherever.

Then eto na nga, 1st semester ng (4th year college) wala kong subject so stay lang sa bahay. Then I notice after a month dumadami na siya. like REAL QUICK. Araw araw naman akong nag wa-wash ng face, pero I remember using PONDS facial cleanser for 2 months. (stop na ngayon) after nun parang lumalala yung pag dami ng "ALAGA" ko. kaya di na ko gumagamit ngayon nun, di talaga siguro hiyang.

Jump na tayo sa ngayon. I tried everything *well not everything, kase never akong nag pa Derma, wala pa kong pera eh. HAHAHA*


I felt sad every time I'll look sa mga old pictures ko. Every night nag pre-pray ako na sana pag gising ko isa isa na silang mawala. DARK SPOTS every where.


Mom told me na nasa lahi na namen to, pero hindi ko matanggap kaya... eto ako ngayon nag tatry ng new product.

MAXI PEEL exfoliant solution #2
and Eskinol Spot-less white with Calamansi extract

So ang instructions is...

*but* Before applying the mixture sa face ko, I wash my face with MAXI-PEEL exfoliant scrub.

THEN eto na. *Mix the 15ML of MAXI-PEEL Exfoliant Solution #2 sa 135ML of ESKINOL Spot-less white with Calamansi extract. Shake nyo lang sya para mag halo ng maayos yung dalawa. (2x a day. Morning and Night ko sya ina-apply)

After that I let my face rest for about 30 minutes to 1 hour. then I apply MAXI-PEEL Exfoliant Cream #2. 
(Yep, alam ko bawal gumamit ng exfoliant cream while using exfoliant solution. Pero technically hindi naman pure maxi solution yung ginagamit ko kase nga nka mix up na sya. so ayun nga, I apply this one after applying the mixture. I took the risk!)

Yung Eskinol kaya walang laman sinalin ko na sa ibang bottle di kase kasya pag minix na yung Maxi Peel. Hehe.

*JUMP JUMP JUMP*

After 1 week of using the said products may napansin naman akong pag babago, nag flat na yung mga bumps, pero yung dark spots nandito pa rin talaga. I guess patience lang talaga since 1 week pa lang naman.

May mga na notice din akong pamamalat sa face ko, pero hindi katulad ng pamamalat pag pure maxi lang yung ginamit.

May mga tumubong pimples din *mga 3-4 siguro* pero I guess nilalabas lang ng MAXI yung excess oil sa skin ko.

It's super effective na pampa dry ng pimples.

Sa ngayon..
Before and After 1 week
eto na yung results, so wala pa masyadong pag babago, pero kahit onti nabawasan naman yung redness. YUCK diba. Hindi ako lumalabas ng bahay for almost 3 months :(

sa kabilang side..
Before and After
medyo may peeling pero di ganon kalala. moisturizer lang katapat nyan bes.  LOL.





DON'T YOU EVER EVER AND EVER POP YOUR PIMPLES. NEVER. I REGRETTED DOING IT.


DON'T TOO MUCH RUB YOUR FACE WITH THE MIXTURE. BAKA MAGSUGAT YAN BES, MAHAPDI.

AND LASTLY, DO IT AT YOUR OWN RISK, I DON'T RECOMMEND IT FOR ALL OF YOU. BUT IF YOU ARE TIRED OF THE SAME PROBLEM AS WELL. TAKE THE OPPORTUNITY BES! PAK GANERN.


UPDATE AKO AFTER 1 month.
SEPTEMBER 1 yun. :)